MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S.
ANG BAWTISMO O BINYAG NG BANAL NA ESPIRITU

  1. ANG MGA HULING SALITA NI HESUS, Lucas 24:46-49, Mga Gawa 1:4-4,5,8
    1. Bago Siya pumunta sa langit, ang huling salita ni Kristo sa Kaniyang mga disipulo ay:
    2. Kayo ay humayo at ipahayag ang ebanghelyo sa buong sangkatauhan; at
    3. Maghintay sa kapangyarihang nagmumula sa kaitaasan.

  2. ANG PANGAKO, Lucas 24:49; Mga Gawa 1:4,5
  3. Ang Panginoong Hesus ay nag-utos sa Kaniyang mga disipulo na tanggapin ang Pangako ng Ama. Ang pangakong ito ay ang pagbibinyag ng Banal na Espiritu. Sa pamamagitan ng pagbinyag na ito ay kanilang matatanggap ang kapangyarihan upang sila ay Kaniyang maging saksi .
  4. KAPALIWANAGAN NG BINYAG
    1. Ang salitang binyag o bawtismo ay nagmula sa salitang Griego 'baptizo' na ang ibig sabihin ay nakalubog sa tubig. Ang isang bagay na nakalubog ay puno sa loob at napapaligiran ng likido (Araling pangtulong: espongha na nakalubog sa baso ng tubig.) Ang Kristiyano na nabinyagan ng Banal na Espiritu ay puno sa kalooban at nasasakluban sa labas ng Banal na Espiritu. Siya ay nakakatanggap ng kapangyarihan.
    2. Ang salitang kapangyarihan sa Mga Gawa 1:8 ay nagmula sa salitang Griego 'dunamis' na pinagkuhanan na salitang Ingles na dynamite at dynamo. Ang kabinyagan ng Banal na Espiritu ay nagbibigay sa Kristiyano ng kapangyarihang 'dynamite' o 'dynamo' mula sa Diyos.

  5. KAPANGYARIHAN SA PAGSASAKSI, Mga Gawa 1:8
    Ang bawtismo ng Banal na Espiritu ay ipinagkaloob sa mga Kristiyano upang sila ay maging mga saksi o mga patotoo kay Hesus. Ang pagiging saksi ay pagiging martir. Ang salitang saksi sa Mga Gawa 1:8 ay nakuha sa salitang Griego 'martus' na ang ibig sabihin ay martir.
  6. ANG LAHAT AY NAPUNUAN O NAPUSPUSAN, Act 2:1-4
    Ang lahat ng mga Kristiyano (mga 120 sa Mga Gawa 1:15) na naghintay sa pangako ng Ama ay napuspusan ng Banal na Espiritu at nagsasalita sa iba't ibang wika na ipinagkaloob ng Espiritu.
  7. PAGSASALITA SA IBA'T IBANG WIKA, 1 Co 12:10
    Ang pagsasalita sa iba't ibang wika ay ang unang katunayan na ang isang tao ay nabawtismuhan ng Banal na Espiritu. Ito ay isang handog ng Banal na Espiritu na ipinagkakaloob sa mga mananampalataya dahil sa tatlong dahilan:
    1. Bilang lingwahe sa pagdarasal - sa pamamagitan nito, tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu na "tumutulong sa ating mga kahinaan sapagkat hindi natin alam kung ano ang kinakailangan nating ipanalangin. Subalit ang Espiritu mismo ang siyang namamagitan para sa atin na may pagdaing na hindi kayang ipahayag ng salita," Mga Gawa 8:26-27.
    2. Upang maging matatag ang ating sarili - "Ang nagsasalita ng ibang wika ay nagpapatatag sa sarili niya," 1 Co 14:4.

  8. ANG TAKOT AY KAHADLANGAN, Lucas 11:10-13
    Ang ibang mananampalataya ay nagkakaroon ng kahadlangan sa pagba-bawtismo ng Banal na Espiritu dahil sa pagka-takot. Ang Panginoon ay nagbibigay katiyakan na kapag tayo ay humingi sa Ama ng Banal na Espiritu, na tayo ay bibigyan ng Banal na Espiritu, at hindi ng ano pa mang espiritu.
  9. PAPAANO TUMANGGAP NG BAWTISMO NG BANAL NA ESPIRITU
    1. Humingi - humingi sa Ama
    2. Tumanggap at magpasalamat - Naipangako na ng Diyos ang Banal na Espiritu. Tanggapin mo ang Banal na Espiritu, pagkatapos mong humingi. Sa gayon ay magbigay ka ng pasasalamat at magpuri sa Diyos.
    3. Pagsasalita sa ibang wika - ikaw ay makakapagsalita sa ibang wika dahil ito ay handog ng Banal na Espiritu. Kailangan mong buksan ang iyong bibig at ikaw ay magsalita. Ang handog na wika ay kusang lalabas sa iyong bibig habang ikaw ay nagsasalita sa pananampalataya.