MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S.
BAWTISMO SA TUBIG

INTRODUKSYON: Alam natin na atin nang kilala ang Diyos kung tayo ay sumusunod na sa Kanyang mga pinag-uutos (1 Juan 2:3). Kaya nga't ang bawtismo sa tubig ang una mong pagsunod sa Kanya.

BAKIT KAILANGAN ANG BAWTISMO SA TUBIG?

  1. SAPAGKA'T ITO AY PINAG-UUTOS NI HESUS
    1. SAPAGKA'T ITO AY PINAG-UUTOS NI HESUS.
      Tingnan ang Marcos 16:16, Mateo 28:19. Ang bawtismo ay isang pagsusulit sa kasunuran at isang bunga ng pagsisisi. Si Hesus ang nag-utos na ito ay dapat gawin. Ang mga Apostoles ay nagturo din na ito ay dapat gawin (Mga Gawa 10:48). Gusto ba natin sundin ang Panginoon? Ang pagiging masunurin ay isang katunayan ng ating pagsisisi! Mga Gawa 26:20 Ako ay nagturo upang sila ay magsipagsisi at bumaling sa Diyos at patunayan ang kanilang pagsisisi sa pamamagitan ng kanilang mga gawa.

    2. SAPAGKA'T SI HESUS MISMO AY NA-BAWTISMUHAN. MATEO 3.13-17
      Nang si Hesus ay lumapit kay Juan upang mabawtismuhan, sa umpisa Siya ay hinadlangan ni Juan. At sa lahat, si Hesus ay wala namang kasalanan, dahil doon ay hindi na kailangan pa Siyang magsisi o mabawtismuhan. Subali't sa pagbawtismo kay Hesus, Siya ay nagbigay ng halimbawa sa kasunuran, at ipinakita ang Kanyang pag-alala sa ating pangangailangan. Ang Banal na Espiritu ay bumaba sa Kanya ng Siya ay bawtismuhan. Sinabi Niya, Mateo 3:15 "Pahintulutan mo nang mangyari ito ngayon sapagkat nararapat nating tuparin ang lahat ng katuwiran sa ganitong kaparaanan. Nang magkagayon, pumayag na si Juan." Ang bawtismo ay bahagi ng kaganapan ng katuwiran.
    3. SAPAGKA'T ITO AY HUWARAN AT GAWI SA BAGONG TIPAN.
      Ang unang simbahan ay nakagawian ang pagbabawtismo kapag mayroong pagsisisi at pagtitiwala. Ang pinaka-susi ng ating paksa ay nasa Mga Gawa 2:38-41, sinasabing mga 3,000 ang nabawtismuhan sa Araw ng Pentekosta. Bakit? Dahil nasabi ni Pedro, 'magsisi kayo at magpa-bawtismo'. Tingnan din ang Mga Gawa 10; 47-48, 9.18.
    4. SAPAGKA'T ITO AY GINAGAMIT NA ISANG PARAAN SA PAGTUTURO NG ATING PAGKAKAUGNAY KAY KRISTO. Ang Diyos ay nagbigay ng kahalagahang espiritual sa bawtismo sa tubig para tayo ay turuan sa tunay at umiiral na kaugnayan natin kay Kristo. Mga Taga-Roma 6:3-5 Mga Taga-Galacia 3:26-27 "Sapagkat sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus kayong lahat ay naging mga anak ng Diyos. 27 Ito ay sapagkat lahat kayong binawtismuhan kay Cristo, ay ibinihis ninyo si Cristo."
    ANG PARAAN NG PAGBABAWTISMO
    1. SA PANGALAN NI HESUS, ang ibig sabihin, sa awtoridad o kapangyarihan ni Hesus at sa pag-uutos ni Hesus.
    2. SA PANGALAN NG AMA, NG ANAK AT NG BANAL NA ESPIRITU - MATEO 28:19. Ito ang paraan ng pagbabawtismo, kaparis ng utos ni Hesus. Ito ang tatak ng awtoridad o kapangyarihan na sa pamamagitan nito ang pagbabawtismo ay ginaganap.
    3. SA PAGLULUBOG SA TUBIG, dahil ito ang kahulugan ng salitang Griego “BAPTIZO". Ang berso sa Mga Gawa 8 ay maliwanag tungkol kay Felipe at ang lalaking kapon- ang pagbabawtismo ay kailangan ng lubusang pagkalubog ng tao sa tubig. Ang ibig sabihin ng bawtismo ay "ilagay sa ilalim ng tubig'. Ang nakagawiang gawin ayon sa Bagong Tipan sa pagbabawtismo ay sa ilog, kaparis ng ginawa ni Juan na Baptisto, o sa isang lugar na publiko.
    4. PARA LAMANG SA MGA MAY SAPAT NA EDAD NA AT MAY PANG-UNAWA AT PAGSANG-AYON (O MGA TAONG NASA MAYOR NA EDAD).. Ang Banal na Aklat ay nagtuturo na tanging mga taong nasa edad na at may pang-unawa't pagsang-ayon lamang ang maaaring makatugon sa mga pangangailangan ng pagsisisi at pananalig at siyang makakapakinabang ng pagbabawtismo sa tubig. Ang bawtismo ay dapat sumusunod pagkatapos ng pagsisisi at pananalig kay Kristo. Ang mga bagong panganak ay hindi makakatugon sa mga pangangailangang ito, sa makatuwid ay hindi sila karapat-dapat at hindi maaaring mabawtismuhan. Hindi binawtismuhan ni Juan si Hesus hangga't Siya ay 30 taon. Sa halip Siya ay naialay sa Panginoon habang bata pa, Lukas 2:22-23.
    5. KAAGAD AGAD KUNG MAAARI. Sa Bagong Tipan, ang bawtismo ay isang madaliang kagawian pagkatapos ng pagtatapat na si Hesu Kristo ay Panginoon at Tagapagligtas ng isang tao. Ang lalaking kapon ay huminto, nabawtismuhan, bago nagpatuloy ng kanyang paglalakbay ayon sa Mga Gawa 8:36-38 - "36 Sa pagpapatuloy nila sa paglalakbay, nakarating sila sa isang dako na may tubig. Sinabi ng kapon: Narito, may tubig dito. Ano ang makakahadlang upang ako ay hindi mabawtis-muhan? 37 Sinabi ni Felipe: Kung sumasam-palataya ka nang buong puso ay maaari kang bawtismuhan. Ang lalaki ay sumagot at sinabi: Sumasampalataya ako na si Jesucristo ay ang Anak ng Diyos. 38 Iniutos niyang itigil ang karwahe. Sila ay kapwa lumusong sa tubig, si Felipe at ang lalaki. Binawtismuhan siya ni Felipe."

    KAHULUGAN NG BAWTISMO SA TUBIG

    ANG BAWTISMO AY TANDA NG ISANG BAGONG PANIMULA. Kaparis ng ating nakita, ang kaligtasan ay may ilang hakbang, patungo sa bagong buhay, na hindi na hiwalay sa Diyos dahil sa kasalanan, kundi nag-aaliw na muli ng malapit na relasyon sa Kanya sa pamamagitan ni Hesu Kristo. Sa Mga Taga Roma 6, si Pablo ay nagbibigay ng dalawang larawan ng bawtismo na makakatulong upang ating maunawaan kung ano ang talagang kailangan:

    1. LARAWAN NG ISANG LIBING O SERBISYO NA PANGLIBING.
      Ang pagbabawtismo ay larawan ng isang taong iniisang-tabi at inililibing magpakailan man ang kanyang makasalanang buhay na nakalipas. Inyong tandaang muli na ang bawtismo ay ang hindi nagbibigay kamatayan sa ating nakalipas na buhay - kundi ang pagsisisi lamang at pananalig kay Kristo ang maaaring makagawa niyan. Ang bawtismo ang naglilibing ng kung ano ang ipinatay ng pagsisisi at pananalig. Tanging ang patay lamang ang iyong maaring ilibing.
    2. LARAWAN NG ISANG NILIKHANG ITINANIM.
      Ang bawtismo ang talagang simula ng panibagong buhay. Subalit mahaba pa ang daan bago ang isang batang halaman ay makaabot ng kapanahunan. Kailangan nitong lumago at painamin. Ganoon din naman tayo, kung hindi ay nanganganib na magbalik sa dating makasalanang gawi. Ito ay isang desisyon na baguhin ng buo ang sariling buhay, mula sa pagiging makasarili at sa pagiging makasalanan, patungo sa pagiging maka-Diyos. Sa bawtismo tayo ay nagpapakita ng determinasyon na sumunod kay Kristo hanggang sa katapusan ng buhay.

      MANIWALA AT GUMAWA!
      Lukas 6:46 "Tinatawag ninyo akong: 'Panginoon, Panginoon,' ngunit hindi naman ninyo ginagawa ang sinasabi ko.

      Santiago 2:17,19-20 17 Gayon din naman, patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa. 19Sumasampalataya ka sa iisang Diyos, hindi ba? Mabuti iyan! Ang mga demonyo man ay sumasampalataya rin - at nangangatal pa. 20 Ibig mo pa pang patunayan ko sa iyo, hangal, na walang kabuluhan ang pananampalatayang walang kalakip na gawa?

      KATAPUSAN: Tayo ay magdesisyon na sumunod kay Hesus sa Kanyang kamatayan at pagkalibing at sa kabaguhan ng buhay. Ang ating kilos o loobin ay dapat kaparis ng lalaking kapon na taga-Ethiopia sa Mga Gawa 8:36 -- "Bakit hindi ako dapat mabawtismuhan?"