|
MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S.
ANO ANG PAGSISI
|
|
ANG PAGSISI AY HINDI -
-
LAMANG PAGSUMBAT - pagdama ng kasalanan.
- Ang pagsisi ay nagsisimula sa pagsumbat ng budhi sa
pamamagitan ng gawa ng Banal na Espiritu (Juan 16:8).
- Hindi lahat ng nagkasala ay nakakadama ng pagsisi. Ang iba ay
nasusumbatan sa pamamagitan ng mensahe, ngunit hindi sila humihinto maski na
sila ay nakakadama ng kasumbatan sa kanilang mga maling gawain. Si Felix
sa Mga Gawa 24:24-25.
- LAMANG DALAMHATI SA KASALANAN - pagdadalamhati sa kasalanan.
- Ang ganitong klaseng pagdadalamhati ay dahil sa ang isa ay
nahuli sa kasalanan, o nagtitiis dahil sa resulta ng kasalanan. Minsan ang
isang tao ay natatakot o nagdadalamhati dahil sa mga ibinunga ng sariling
kasalanan, hindi dahil sa siya ay nagsisisi't huminto sa pag-gawa ng ganoong
kasalanan. Ito ang tinatawag na maka-mundong pagdadalamhati (2 Co 7:10).
- Ang maka-diyos na pagsisisi ay nagbubunga ng pagbabago upang ang isang tao
ay maligtas at hindi nagkakaroon ng kasumbatan (o nakakadama na ng kalayaan
na nagmumula sa pagpapatawad at pagkakaroon ng pag-asa sa Diyos), subalit ang
makamundong pagdadalamhati ay nagdadala ng kamatayan.
- LAMANG PAGBABAGO - pagiging isang mabuting tao.
- Maraming tao ay nagpupugay na maging mabuti at magbago sa
sarili nilang pagsisikap. Pero ang pagpupunyagi sa sarili ay dahil sa
sariling pagtutuwid na hindi naman lumalapit sa Diyos upang siya ay
matulungan. Dahil dito, ito ay walang tunay na pagsisisi.
- Lahat tayo ay naging kaparis ng mga nagkasala, at ang ating mga gawing
pagtutuwid ay parang mga maduming trapo; tayo ay natutuyot kaparis ng isang
dahon, at kaparis ng hangin tayo ay nadadala ng ating mga kasalanan
(Isa 64:6).
- PAGIGING RELIHIYOSO - nauuwi sa pag-gawa ng kabutihan at
pagka-relihiyoso.
- Ang lahat ng ito ay ating mga tangkang takpan lamang ang
ating mga kamalian. Kaparis ng mga Pariseo na talagang mga gawing
relihiyoso : sila ay nagpapalipas-kain, nagdarasal at sumusunod sa mga
seremonyas ng relihiyon, subalit sila ay hindi nagsisipagsisi ng kasalanan
(Mat 3:7-10).
- LAMANG PAGTANGGAP NG KATOTOHANAN SA KAISIPAN
- Ang pagkakaroon ng talino ay hindi nangangahulugan na ang
katotohanan ay talagang nangyayari sa buhay ng isang tao. Ang pagsisisi ay
nangangailangan ng sadya at tumpak na aksyon na nababatay sa alam na
katotohanan.
- Ang mga demonyo ay alam ang 'paniniwala' kay Hesus, pero sila ay hindi
nagsisisi ng kanilang mga maling gawi. Basahin Santiago 2:19.
ANO ANG PAGSISI -
- PATUNGKOL SA DIYOS
- PAGSISISI NG KASALANAN SA DIYOS.
Ang totoong pagsisisi ay ang pagdadalamhati sa Diyos. "Ako'y kaawaan,
O mahal kong Diyos, Sang-ayon sa iyong kagandahangloob; Mga kasalanan
ko'y iyong pawiin, Ayon din sa iyong pag-ibig sa akin! Sa iyo lang ako
nagkasalang tunay, At ang nagawa ko'y di mo nagustuhan; Kaya may matuwid
ka na ako'y hatulan, Marapat na ako'y iyong parusahan." (Awit 51:1,4)
- PAGBALING SA DIYOS. Ang tunay na pagsisisi ay ang pagbaling o pagbabalik
sa Diyos. Ang Diyos ay nagsabi na kung ikaw ay tunay na nagsisisi ay babalik
ka sa Kanya, at Siya ay babalik din sa iyo (Zacarias 1:3).
- PATUNGKOL SA KASALANAN
- PAGIGING TOTOO SA PAG-ANGKIN NG IYONG KASALANAN. Ang totoong
pagsisisi ay ang pag-angkin na ang isang kamalian ay talagang isang kasalanan
na nagawa, at hindi nagtatakip o nagbibigay ng iba pang mga rason (Psa 32:5)
Ako ay lumapit sa iyong harapan at sala'y inamin, Ang aking ginawang mga
pagsalansang di ko inilihim; Pinagpasiyahan kong ang lahat ng ito sa iyo'y
idaing, At aking natamo ang iyong patawad sa sala kong angkin.
- PAGMUHI SA KASALANAN -
(Eze 20:43) Doon, maalaala ninyo ang inyong
masasamang lakad at gawain. Dahil dito, masusuklam kayo sa inyong sarili.
- PAGHINTO AT PAGTATABOY SA KASALANAN - (Kawikaan 28:13) Ang nagkukubli ng
kanyang sala ay hindi mapapabuti Ngunit kahahabagan ng Diyos ang
nagbabalik-loob at nagsisisi. At Mga Taga Roma 6:13.
- PATUNGKOL SA SARILI - ITITIWALAG ANG SARILI AT NAMUMUHAY PARA SA
DIYOS. (2 Co 5:15) Namatay siya para sa lahat upang ang mga nabubuhay
ngayon ay huwag nang mabuhay para sa sarili, kundi para kay Cristo na
namatay at muling nabuhay para sa kanila.
PAGHAMON: Ang Diyos ay handang magpatawad sa isang taong taos sa puso
ang pagsisi. Basahin Mga Gawa 17:30 at 1 Juan 1:9.