MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S.
KABIGATAN NG KASALANAN

Introduksyon: Dahil sa pagdami o paglipana ng kasalanan sa mga huling araw, ang pagwawalang-bahala ng mga tao sa anumang kasalanan ay magiging sagabal sa pagsisi at paghingi ng awa at katawaran ng Diyos sa kanilang kasalanan. Ang leksyon na ito ay magbibigay kahalagahan sa kabigatan ng kasalanan dahil naitalaga na nuon pa na ang kasalanan ang siyang dahilan ng pagkamatay sa krus ng Anak ng Diyos. Ang kabigatan ng kasalanan ng tao ang siyang nagbigay pasakit kay Hesus. Kung ang tao ay hindi nakikita ang katunayang ito, siya ang magdadala ng kabigatan ng sarili niyang kasalanan.

1. LAHAT NG KASALANAN AY MORTAL

  1. Bawat uri ng kasalanan ay pare-pareho sa mata ng Diyos. Ang relihiyon ay mayroong nakakalitong pag-uuri ng mga kasalanan na nagpapahintulot sa mga ibang kasalanan ng walang pagsisi. Subalit ang Biblia ay nagpapahiwatig na ang bawat uri ng kasalanan ay pare-pareho at natutungo sa kamatayan - ang pagkakahiwalay sa kaharian ng Diyos. Lahat ng kasalanan ay nagbibigay ng kamatayan sa kaluluwa, at nagdudulot ng kamatayan. Pag-aralan: Roma 1:28-32; 1 Corinto 6:9-10; Galatia 5:19-21; Efeso 5:3-5.
  2. Bawat tao ay pare-parehong makasalanan sa mata ng Diyos. Roma 2:11 Ito ay sapagkat hindi nagtatangi ng tao ang Diyos. Ang lahat ng mga mayayaman at mga mahihirap ay makasalanan; ang mga malaya o mga prisonero; ang mga panginoon o ang mga alagad - lahat ng mga ito ay mga makasalanan.

2. LAHAT AY MAKASALANAN AT KAILANGAN NG KAPARUSAHAN

  1. Bawat isa ay may kasalanan at may pananagutan sa kanyang buhay sa Diyos. Roma 3:23 Ito ay sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. Eze 18:20 - Ang kaluluwang nagkasala ay mamatay. Ang anak ay hindi magdadala ng sala ng ama, ganoon din na ang ama ay hindi magdadala ng sala ng anak.
  2. Ang Diyos ay matuwid at tayo ay nagkasala. Ecc 7:20 Walang isa mang tao sa mundo na napakabanal na gumagawa ng tama at hindi nagkakasala. 1 Juan 1:8 Kung tayo ay nagsasabing tayo ay walang sala, tayo ay nagsisinungaling at wala ang katotohanan sa atin. 1 Juan 1:10 Kung ating sinasabi na tayo ay hindi nagkasala, ginagawa nating sinungaling Siya at ang Kanyang salita ay walang halaga sa ating buhay.

3. LAHAT NG KAPARUSAHAN SA KASALANAN NG TAO AY NAIBUHOS KAY HESUS

  1. Dahil ang bawat tao ay makasalanan, walang sinuman ang may pagkakataon na makatanggap ng tulong mula sa or makapagbigay ng tulong sa kaninuman. Tanging ang walang kasalanan lamang ang makakapagligtas sa mga tao. At tanging si Hesus na Anak ng Diyos lamang ang siyang walang kasalanan. Dito natin makikita kung gaano kabigat ang kasalanan ng tao at ang kaparusahan na naibuhos kay Hesus. Heb 2:9 - Ito ay upang sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos ay tinikman niya ang kamatayan para sa lahat ng tao. Tit 2:14 - Ibinigay niya ang Kaniyang sarili para sa atin upang tubusin niya tayo mula sa lahat ng ating kasamaan at upang linisin ang mga taong tanging kanya lamang, masigasig sa paggawa ng kabutihan.
  2. Ang lahat ng kasalanan ay mortal, subalit ang lahat ng kasalanan ay maaaring mapatawad. Dahil nabayaran na ni Hesus ang kapurasahan ng kasalanan, ang lahat ng kasalanan ay maaaring mapatawad. Siya ang ating kapalit, Siya ang namatay sa ating lugar. Hindi mo na kailangan pang bayaran ang kaparusahan ng iyong sariling kasalanan.

MGA BERSONG PANGHAMON:
1 Juan 5:10-12:
10Ang sinumang nananalig sa Anak ng Diyos ay naniniwala sa patotoong ito. Ngunit ang ayaw maniwala sa Diyos ay ginagawang sinungaling ang Diyos, sapagkat hindi siya naniniwala sa patotoo nito tungkol sa kanyang Anak. 11 At ito ang patotoo: ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang buhay na walang hanggan at ito'y makakamtan natin sa pamamagitan ng kanyang Anak. 12 Ang pinananahanan ng Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan, ngunit wala nito ang hindi pinananahanan ng Anak ng Diyos.

Mga Gawa 10:43:
Siya ang tinutukoy ng mga propeta nang kanilang ipahayag na bawat mananalig sa kanya ay tatanggap ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan, sa pamamagitan ng kanyang pangalan.