|
ANO ANG KASALANAN |
INTRODUKSYON:
Ang sabi ng Biblia na hangga't hindi tayo nagsisisi, tayong lahat ay
pare-pareho mamatay (Lukas 13:3). Sinasabi dito na ang pagsisisi ay ang daan
upang makaiwas sa paghatol na nauukol sa atin dahil sa ating kasalanan
(sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan - Mga Taga Roma 3:23).
Ang pagsisisi ay pagtalikod sa buhay na makasalanan at mapaghimagsik patungo
sa buhay na makatuwiran sa Diyos. Subali't ang mga tao ay hindi makakapagsisi
kung hindi nila nakikita ang kasalanan sa kanilang mga sarili. Mayroon silang
maling haka-haka tungkol sa kasalanan, binibigyan ang kasalanan ng ibang
katawagan o kahulugan, o kaya ito'y kanilang binabawasan o
ipinagwawalang-bahala. Subali't ang Diyos ng Biblia lamang ang
makakapagpakita at makakapaggamot (o makakarikonosi) kung ano talaga ang
KASALANAN.
ANG KASALANAN, SA KAHULUGAN, AY ANG PAGLABAG SA BATAS O KAUTUSAN NG DIYOS, 1 JUAN 3:4
ANG KASALANAN AY ANG HINDI PAGGAWA NG MGA MAGAGANDANG BAGAY NA DAPAT NATING
GAWIN, SANTIAGO 4:17
Ito ay tinatawag na kasalanan ng hindi pagkilos (o hindi paggawa).
Ito ay kakulangan sa paggawa ng mga magandang pagnasa at mga hangad ng Diyos.
Halimbawa: Maaaring tayo ay hindi nagkasala sa pagnanakaw, subali't
tayo ba ay nagbibigay sa mga taong nangangailangan? Maaaring hindi tayo
nagsisinungaling, subali't tayo ba ay nagpapahayag ng katotohanan ng Diyos?
ANG KASALANAN AY PAGKUKULANG SA KALUWALHATIAN NG DIYOS MGA TAGA-ROMA 3:23
ANG KASALANAN AY PAMUMUHAY PARA SA SARILI AT HINDI PARA SA DIYOS,
ISAIAS 53:6
Ang kasalanan ay pamumuhay ng "buhay na ating gusto" na kung saan ang Diyos
ay nasa-isantabi, ipinagwawalang-bahala ang kanyang kalikasan, at ang
Kanyang mga ninanais ay hinahamak! Ang tao ay isang nilikha para lamang SA
DIYOS! Mga Taga-Koloseo 1:16. Samakatuwid, ang pagiging makasalanan ay
pagkakaroon ng maling layunin, natutungo sa maling daan at namumuhay sa
kailaliman ng maling panginoon! Namumuhay para sa sarili.
ANG KASALANAN AY HINDI PAGMAMAHAL SA DIYOS NG ATING LAHAT-LAHAT, MARKOS 12:28-30
ANG KASALANAN AY PAGTAKWIL KAY HESUS, JUAN 8:24, 16:8-9
Ito ang kasalanan ng pagtatakwil sa tanging handog na kaligtasan ng Diyos
sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Anak. Hebreo 2:1-4, 10:28-31. Ang
kasalanang ito ay tinatawag din na pagsalungat sa Banal na Espiritu, Mga
Gawa 7:5, na Siyang kumikilos sa ating mga puso at Siyang nagpapalapit sa
atin kay Hesus, Hebreo 10:29. TANGING SI HESUS LAMANG ANG KATUGUNAN SA ATING
KASALANAN, Mga Gawa 4:12, Juan 1:29, 1 Juan 2:1-2.
PAGHAMON: Tingnan ang tunay na kalagayan ng iyong buhay sa kaliwanagan ng Salita ng Diyos at sa Kanyang Banal na pamantayan. Huwag kang manatili ng matagal sa paghahatol: magsisi at tanggapin mo ang tanging handog ng Diyos na kaligtasan.