MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S.
BAKIT KAILANGAN NATIN NG TAGA-PAGLIGTAS

INTRODUKSIYON:
Ang ilan sa mga tao ay hindi kaagad tinatanggap ang Mabuting Balita ng kaligtasan sapagka't hindi nila nakikita ang pangangailangan nila ng tagapagligtas. Hindi nila naiisip na sa kanilang kalagayan ngayon, tanging si Hesus lamang ang makakatulong sa kanila. Hindi nila nakikita ang pagkahiwalay nila sa Diyos at ang kanilang espiritu ay patay. Hindi nila nakikita na KAILANGAN NILANG MALIGTAS. Basahin Gn 3:4-10.

  • PAPAANONG NAHIWALAY ANG SANLIBUTAN (SA DIYOS)
    Ang tao ay nasa mabuti pa rin sanang relasyon sa Diyos, walang malay at walang bahid ng kasalanan kung natuto itong sumunod sa Diyos. Si Eva at Adan ay sumuway sa utos ng Diyos nang makinig sila sa diyablo. Ang pagsuway nila sa Diyos ang sumira sa masayang relasyon ng tao at Diyos dahil sa mundong ito na makasalanan. Dahil sa "pagkahiwalay" o "pagkaligaw" na ito kaya naparito si Hesus, Lucas 19:10.
  • ANG MGA BUNGA NG UNANG KASALANAN NG SANLIBUTAN
    Ano ang mga bagay na dumating sa puso ni Adan at Eva pagkatapos na sila ay magkasala?
    1. Pag-uusig ng budhi - dahil alam nila na sila ay nagkasala sa Diyos at tama lang na magalit ang Diyos sa kanila.
    2. Takot - bakit sila natakot? Dahil alam nila na sila ay nagkasala sa Diyos at tama lang na magalit ang Diyos sa kanila.
    3. Pagkahiwalay sa Diyos - ang kasalanan ang naghiwalay sa tao at sa Diyos. Sinira nito ang mabuting pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos. Halimbawa: Ang pagsuway sa magulang ay nakakasira ng malapit na kaugnayan ng anak sa magulang. Alam ng anak na may sapat na dahilan para magalit ang kanyang magulang.
    4. Kamatayan - ang kasalanan ay nagdudulot ng kamatayan! Ang kaluluwa ng tao (kalagayang espiritwal) ay namatay at naputol ang pakikipag-ugnayan sa Diyos (maihahalintulad sa hayop na walang espiritu.) Ang tao ay hindi na buhay sa Diyos, na ang ibig sabihin ay hindi na siya maaaring makipag-ugnayan o makakatugon sa Diyos! Ang pagkamatay bunga ng kasalanan ay hindi nangangahulugan na ang tao ay huminto sa kanyang kalikasan (o naglaho na). SA BUHAY NA ITO, siya ay isang likas na hiwalay sa Diyos (na Siyang Buhay) hanggang sa oras na siya ay magsisi at maligtas. Kung hindi mangyayari ito, siya ay hiwalay sa Diyos ng walang hanggan PAGKATAPOS NG BUHAY NIYANG ITO SA MUNDO! 2 Th 1:8-9:9.
    5. Kasumpaan, o kahatulan - Juan 3:18, 36 "nahatulan na", naipasailalim na ng ngalit ng Diyos, katulad ng mga rebelde na gumagawa ng maski anong gusto nila.
  • ANG MGA BUNGA NG UNANG KASALANAN SA ATING MGA SARILI
    1. Tayo ay namatay sa kasalanan. Iyan ay ang bahagi natin na nagmamahal at nakikipag-ugnayan sa Diyos ang nasira. Nawala ang kakayahan nating mabuhay na may pagkakaisa sa Diyos. Ang ating makasalanang katawan ay buhay nguni't ang bahagi natin na kumikilala ng Diyos (espiritu)ang siyang namatay (Efeso 2:1). Halimbawa: Ang anestisya ay pumapatay sandali sa pakiramdam natin sa sakit sa panga habang ito ay may bisa, pero ang katawan ay buhay pa rin.
    2. Tayo ay isinilang na makasalanan - Isinilang tayo na may pusong makasalanan, madaling makagawa ng hindi tama at mahirap gumawa ng mabuti (Mga Awit 52:3). Dahil sa tayo ay likas na makasalanan, kabilang tayo sa kinapopootan ng Diyos (Efeso 2:3).
    3. Tayo ay tatanggap ng kaparusahan. Roma 7:18-21 Dahil sa tayo ay likas na makasalanan, tayo ay laging nakagagawa ng kasalanan. At dahil sa tayo ay nagkakasala, tayo ay dapat na parusahan.
    4. Tayo ay nakagapos sa kasalanan. Mga Taga-Roma 6:16, Juan 8:34 - Dahil sa lagi nating pag-gawa ng kasalanan, tayo ay naging alipin nito. Tayo ay napasailalim ng kontrol at kapangyarihan ng kasalanan.
  • KAILANGAN NATIN NG TAGA-PAGLIGTAS, DAHIL HINDI NATIN KAYANG ILIGTAS ANG ATING MGA SARILI

    Kailangan hayaan natin na tayo ay iligtas ni Hesus. Gal 3:21-22. Nakita ng Diyos ang pangangailangan: walang ibang pamamaraan upang muli tayong mabuhay. Nakita ng Diyos na lahat ng tao ay napasailalim ng kasalanan. Ang kahulugan nito ay walang magagawa ang tao para iligtas ang kanyang sarili na magtatagumpay. Hindi rin makakapagkunwari ang isang tao na kaya niyang iligtas ang isang tao. Kaya nagpadala ang Diyos ng Taga-pagligtas, si Hesus. Mateo 1:21, Juan 4:42, Efeso 2:1-10. Halimbawa: Ang taong nakagat ng ahas ay hindi kayang labanan o pigilan ang pagkalat ng lason sa kanyang katawan, kailangan niya ng gamot na pipigil sa pagkalat nito.

    PAGHAMON: Halimbawa - Lahat tayo ay nalulunod sa dagat. Kailangan natin ng tagapagligtas na hindi natin kasamang nalulunod sa tubig. Si Hesu-Kristo ay laging nakahandang iligtas tayo ngayon at anumang oras.