|
MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S.
HESUS:ANG TAGAPALIGTAS NG MUNDO
|
|
Introduksiyon: Marami ang naniniwala na si HESUS AY MAKAKAPAGLIGTAS,
na Siya ay dumating upang maging Tagapagligtas ng buong mundo. Pero marami
ang hindi nakakaalam kung ano ba Siyang Tagapagligtas. Maski sabihin nilang
si Hesus ay Tagapagligtas, mayroon pa rin silang mga kilos na nagpapakita na
sila ay walang tutuong tiwala sa Kaniya bilang Tagapagligtas. Ipapakita ng
araling ito kung ano bang Tagapagligtas si Hesu Kristo, at ating mauunawaan
kung papaano talakayin ang iba pang kaalaman na mga tao sa ibang mga
tagapagligtas, tagapamagitan, o mga ginagawi ng mga tao para magkaroon ng
kaligtasan.
SIYA LAMANG ANG TANGING TAGAPAGLIGTAS
- Ang sakripisyo ng Kaniyang pagkamatay ang tanging kailangan lamang
para sa kasalanan ng buong kamunduhan at sa lahat ng henerasyon. Hindi na
kailangan pang ulitin na muli ang sakripisyong ito. Minsan lamang at para
sa lahat ito'y nagawa. Wala na tayong dapat pang gawin liban lang sa
ginawang pagliligtas ni Kristo. Wala ng ibang pang pamatok gaya ng mga
kahilingan ng ibang relihiyon, obserbasyon ng mga sacramento o tradisyon,
atbp). Hindi na natin "matutulungan" si Hesus para maging tagapagligtas.
BASAHIN: Sa Mga Hebreo 9:25-28; 10:11-18; Juan 19:30.
- Kung ang Anak ay pinalaya ka, ikaw ay talagang malaya na. Juan 8:36
"Wala ka nang hahanapin pa!"
SIYA LANG ANG TANGING TAGAPAGLIGTAS: TANGI LAMANG
- Dahil si Hesus ay sapat na, ang Diyos ay hindi na nagkaloob pa ng
ibang "tagapagligtas" kundi si Jesus lamang ang TANGING TAGAPAGLIGTAS para
sa buong mundo.
- (Ang Mga Gawa 4:12) Ang kaligtasan ay hindi matatagpuan maski kanino man,
sapagkat wala ng ibang pangalan pa sa kalangitan na ibinigay sa sangkatauhan
kaya't sa pamamagitan lamang Niya tayo ay maliligtas.
SIYA ANG MAKAPANGYARIHANG TIGAPAGLIGTAS
- Siya lamang ang makakapagligtas sa pinakapusakal na makasalanan.
Patunay ni Pablo sa I Timoteo 1:15 at ang kaniyang katuruan sa Roma 5:18-20.
- Siya lamang ang makakapagligtas sa mga taong inaakala natin ay hindi
mangyayari, Mateo 19:25-26.
SIYA ANG BANAL NA TAGAPAGLIGTAS
- Upang maging tagapagligtas, kailangan ay isang Diyos. Si Hesus ay
hindi magiging Tagapagligtas kung Siya ay hindi Diyos. Si Hesus ay parehong
Diyos at Tagapagligtas. Kay Tito 2:13.
- Siya ang tutuong Diyos at ang walang hanggang buhay, I Juan 5:20. Ang
simbahan ay masasabing natubos ng dugo ng Diyos (dugo ni Kristo), Mga Gawa
20:28.
SIYA ANG PERMANENTENG TAGAPAGLIGTAS
- Dahil si Kristo ay Diyos, Siya ay palagiang namumuhay para mamagitan
o maging saserdote para sa atin magpakailanman. Kung ganoon, Siya ang ating
palagiang saserdote. Ang Kanyang ginagawang pagsaserdote o pagiging
taga-pamagitan sa Diyos at sangkatauhan ay hindi maaaring ilipat kaninuman.
Heb.7:23-25!
- HINDI NA KAILANGAN pang ituon natin ang ating panalangin maski kaninuman.
Ibig sabihin nito na Kaniya ng natapos ang kung ano man ang Kaniyang
naumpisan sa iyong buhay. Siya ang May-akda at Tagalubos ng ating
pananampalataya. Kung sa ganuon, ang pagiging 'tagapagligtas' ay hindi
naililipat kaninuman. Basahin Filipos 1:6; Hebreo 12:2.
SIYA ANG HANDANG TAGAPAGLIGTAS
- Si Kristo ay handang tagapagligtas sa lahat ng tao. Maari kang
mismong makipag-ugnay sa Kaniya. Hindi Siya dumating para manghusga kungdi
mangligtas.
- Juan 6:37 - Ang lahat ng ibinigay sa akin ng Ama ay lalapit sa akin.
Sinuman ang lalapit sa akin ay hindi ko itataboy kailanman.
- Juan 3:17 - Ito ay sapagkat hindi sinugo ng Diyos ang kaniyang anak sa
sanlibutan upang hatulan ang sanlibutan. Sinugo niya ang kaniyang anak upang
ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan niya.
PAGHAMON: DAPAT SI HESUS AY MAGING TAGAPAGLIGTAS MO, O IKAW AY WALANG
TAGAPAGLIGTAS! MANALIG, MAGTIWALA KA SA KANIYA NGAYON NA SIYA AY IYONG
TAGAPAGLIGTAS! SIYA AY HANDANG TANGGAPIN KA UPANG IKAW AY MALIGTAS!
(Tanda: Maaring mong gamitin ang bawat punto ng leksyon upang ito'y maging hiwalay na pag-aaral, o dalawa o tatlong puntos para sa bawat sesyon.)