MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S.
MGA SAGOT SA TANONG NG MGA KATOLIKO

TUNGKOL SA HINDI MATUWID NA OPINION SA BIBLIA
Ang mga Katoliko ay inudyukan na magbasa ng Biblia, ayun sa mga opisyal na ulat na ginawa ng mga puno ng Katoliko.

  1. "May paghahamon na basahin at pag-aralan, ipagdasal at ipamuhay ang nakasulat na Salita ng Diyos. Kami, na inyong mga obispo, ay nagkaisang iproklama na ang taong 1989 ay isang Pambansang Taon ng Biblia!" (Komperensiya ng mga Obispong Katoliko ng Pilipinas, Tagaytay City, Jan 27, 1989)
  2. Idiniklara ni Papa Pius X, "Kung tayo ay mas lalong magbabasa ng Ebanghelyo, lalong lalakas ang ating pananampalataya."
  3. Ang nais natin sa mga anak ng simbahan na mapunuan ng Biblia, at maaaring maabot nila ang kalawakan ng kaalaman ni Hesu Kristo. (Spiritus Paraclitus, Sept. 15, 1920)
  4. Si Papa Leo XIII ang nagsabi, "Ang kamangmangan ng Biblia ay kamangmangan tungkol kay Kristo." (Sinabi ni Hesus, "Saliksikin niyo ang mga Skripto ... sila ang nagpapatunay sa aking sarili" - Juan 5:39)
  5. Ang pagkawalang kamalian (ng Biblia) ay ang pinaka-mahalagang kinalabasan ng inspirasyon (sa pagsulat ng Biblia). Ang Biblia ay wala maski anuman at hindi man lang nagtataglay ng pagkakamali. (Encyclical "Spiritus Paraclitus, 1920). SA LAHAT NG BAGAY, si Hesus, na pinaka-Ulo ng Simbahan ang nagsabi: KUNG SINUMAN ANG NASA DIYOS AY SIYA LAMANG ANG MAKAKAPAKINIG NG BAWAT SALITA NG DIYOS. ANG DAHILAN KUNG BAKIT HINDI NINYO ITO NARIRINIG AY DAHIL KAYO AY WALA SA DIYOS!" Juan 8:47

TUNGKOL SA MGA MISA Ang kahulugan sa Katoliko:
Ito ang "walang dugong sakripisyo ng katawan at dugo ni Kristo. Ang misa ay kapareho ng sakripisyo sa Krus." Kung si Kristo ay isinasakripisyong muli, kaparis ng kanilang sinasabi, sa ganoon ang mga Skripto na sumusunod ay hindi totoo! Sa buong mundo, may mga 200,000 misa ang ginaganap araw-araw.

ANG SABI NG BIBLIA:
Heb 7:27 Ito ay Kanyang ginawa minsan lamang.
Heb 9:11-15 Pumasok sa higit na mahalaga at lalong ganap..
Heb 9:24-28 Hindi na kailangan pang isakripisyo ng paulit-ulit
Heb 10:10-14 Iisang sakripisyo lamang sa lahat ng panahon!
Heb 10:15-18 Hindi na magkakaroon pa ng ibang sakripisyo para sa kasalanan!
Rom 6:10 (1 Pe 3:18) Minsan lamang, para sa lahat...
1 Pe 1:18-19 Ang ipinangtubos… ay hindi nasisirang mga bagay na gaya ng pilak at ginto.

TUNGKOL SA PURGATORYO
Ang kahulugan sa Katoliko:
Ang purgatoryo ay ang panahon ng pagtitiis ng isang namatay na may kasalanang venial (kasalanang may-kapatawaran), o yaong may kakulangan pa ng kaparusahan sa taglay na kasalanan.
ANG SABI NG BIBLIA:
Lukas 23:39-43 - Walang purgatoryo!
Mga Gawa 7:59 - Ang mga santo ay hindi naghahangad na mapunta duon!

  1. Si Kristo ang nagdala ng lahat ng katiisan, kaparusahan, at kabayaran sa ating mga kasalanan. Siya ay namatay sa ating lugar. 1 Pe 2:21-24; Mga Taga Roma 5:8; 2 Co 5:21; Col 2:13-14; Isa 53:4-6,12.
  2. Tanging katumbasan ng lahat ng kasalanan (sa mga nagdaan, sa ngayon at sa kinabukasan) ay nagawa na ng Diyos, para sa atin, sa pamamagitan ni Kristo sa Kalbaryo! Isa 53:10-12; Juan 1:29; 2 Co 5:18-21; Heb 10:10,14; Col 1:19-20; 1 Juan 3:5.
  3. Ang Diyos ay hindi tumatanggap na ano pa mang kalinisan, kaalisan, sakripisyo o kabayaran ng kasalanan liban sa dugong idinaloy ni Kristo sa Kalbaryo: Heb 9:11-14, 22 Kung walang pagkabuhos ng dugo, walang kapatawaran. Heb 9:26-28; Roma 3:24-25; Roma 5:8-9; Efeso 1:7; Pahayag 1:5.
  4. Wala nang pangalawang pagkakataon pa! Lucas 16:19-31; Heb 9:27.

TUNGKOL SA SASERDOTE O PARI
Kahulugan: Saserdote - Ang isang taong naglalapit sa atin sa Diyos!
ANG SABI NG BIBLIA:
Mat 23:9 Huwag ninyong tawaging ama ang sinuman dito sa lupa sapagkat iisa ang inyong Ama na nasa langit. "Banal na Ama" ay ang titulong nauukol lamang sa Diyos.
Heb 7:23-25 Ang pagka-saserdote ni Hesus ay hindi naililipat kaninuman.
1 Juan 2:1 Siya ang ating Tagapagrekomenda o Tagapamagitan! Tayo ay lumalapit sa Diyos sa pamamagitan Niya lamang, Heb 7:25.
1 Pe 2:4-10 Ang lahat ng mananampalataya (lahat!) na lumapit kay Hesus ay tinawag na maging "saserdote" at sila ay maaaring makalapit sa Diyos! Santiago 4:7-8, Magsilapit kayo sa Diyos at siya ay lalapit sa inyo.

TUNGKOL SA PAPA Kuro-kuro o opinion: Ang Papa ay ang Kinatawan ng Anak ng Diyos, "Vicarius Filii Dei" o isang taong lumalagay sa lugar ni Hesus sa lupa! Ang Papa ay natawag na "Ating Banal na Ama" at "Ang Banal na Panginoon" (Encyclical Letter: Pope Leo XIII; Pope Pius X).
ANG SABI NG BIBLIA:
Juan 16:7-8, 12-15 Si Hesus mismo ang nagsabi ng maliwanag na ang kumakatawan sa Kaniya ay ang Banal na Espiritu! 14:16-17,26, 15:26.
1 Pe 5:1-4 Si Pedro ay hindi isang Papa, siya ay isa sa mga nakakatanda o "elder" (2 Juan 1:1, Mga Gawa 15:2,4,6,22,23). Si Pedro ay hindi panginoon!
Efeso 4:5, Mga Gawa 10:16, Filipos 2:11 Tanging si Hesus lamang ang Panginoon!
Efeso 1:22, 4:15, 5:23 Si Hesus ang Puno ng Simbahan! Col 1:18, 2:19.

  1. Si Pedro ay hindi nagpakita ng awtoridad kaparis ng Papa: Mga halimbawa - Mga Gawa 8:14 (Sila ay isinugo…); 15:1-21 Kung saan ang payo ni Santiago, at hindi ni Pedro ang nasunod sa desisyon na ginawa ng buong simbahan!
  2. Ang mga simbahan nuong unang panahon ay hindi nangingilala ng isang awtoridad na kaparis ng Papa! Mga Gawa 10:25-26, 16:4, 21:17-19,25; Gal 1:15-17, 2:6-9, 11-14.

TUNGKOL KAY MARIA AT MGA SANTO

  1. Ang ina ni Hesus (hindi ng Diyos, dahil ang Diyos ay walang ina, at ang Titulo ay nakakalito dahil ang Diyos ay may tatlong Persona). Juan 2:1-3, Mga Gawa 1:14.
  2. Pananatiling birhen: Mat 1:25, Juan 7:1-5 (at Mga Awit 69:9), Gal 1:19, Mat 12:46-50, 13:55-56, Mar 6:3 (Ang mga ito ay hindi mga pinsan ni Hesus na gustong ating paniwalaan ng mga Katoliko.. Ang Biblia ay may ibang salita o terma tungkol sa kahulugang 'pinsan', Col 4:10.)
  3. Malinis na kapanganakan: Roma 3:10-12,23, 5:12; 1 Juan 1:8; Ecc 7:20; Luk 1:47, 2:22-24 (tandaan na si Maria ay kailangan magbigay ng isang paris na kalapati, isa sa mga ito ay para sa sakripisyo ng kasalanan: Lev 12:8).
  4. Benerasyon: Luk 11:27-28 - Ang pagkakataon ni Hesus na sumang-ayun kay Maria pero hindi Niya ginawa.
  5. Ang paggamit ng mga berso ng Luk 1:28, 42, 48-49 ay hindi nangangahulugan ng benerasyon: ang mga pangungusap na ito ay ginagamit din sa ibang tao (Jdg 5:24, at maraming mga tao sa Biblia ang nabigyan ng Diyos ng kaluguran at paglingap kaparis ng kay Maria).

TUNGKOL SA TAGAPAMAGITAN
1 Ti 2:5 Ilang mga diyos? Ilang mga tagapamagitan? Heb 12:24
Juan 6:37, 44, 65 Sino ang nagbibigay sa atin kay Hesus?
Juan 14:6 Sino ang nagdadala sa atin sa Ama? 1 Juan 2:1, Heb 2:18, 7:25
Ang mga berso sa Juan 2:1-11 ay hindi nagsasabing si Maria ay may kapangyarihang makapamagitan!

Tanging ang Diyos lamang ang makakatugon ng ating panalangin dahil Siya ang may mga katangian at kakayanan na makatugon ng ating hinihiling. Siya ay sumasalahat ng dako, sumasalahat ng kaalaman at sumasalahat ng kapangyarihan. Si Hesus ay Diyos kaya nga't Siya ay nakakatugon ng ating mga panalangin. Heb 7:25, Roma 8:34, Juan 14:13 Ang mga ito ay wala sa mga santo at kay Maria. Kung sila ay sumasalahat ng dako, kaalaman at kapangyarihan, sila ay mga diyos! Dahil sa hindi naman sila ay ganoon, hindi nila matutugon ang ating mga panalangin!

TUNGKOL SA BUHAY NA WALANG ASAWA
Katuruan ng mga Katoliko: Buhay na walang asawa sa kanilang mga pari at mga madre.
ANG SABI NG BIBLIA:
Luk 1:5 Ang mga saserdote ay may asawa.
1 Co 7:25-28 Hindi kasalanan kung ang tao ay mag-aasawa.
Mat 8:14, 15; 1 Co 9:4-6 Si Pedro ay kasal; may-asawa.
1 Co 7:6-9 Mas mabuti pa ang mag-asawa kaysa ang isang tao ay madarang!
1 Ti 3:1-5 Ang mga namumuno ng mga simbahan ay nasusulit sa pamilya.
1 Ti 4:1-3 Ang buhay na walang pag-aasawa ay itinuturo ng mga demonyo.

TUNGKOL SA BATO
Ang Bato ba ay si Kristo? O si Pedro? Sino ang pundasyon ng totoong simbahan? Mat 16:13-18, 1 Co 3:11, 10:4, Luk 20:17-18, Mga Gawa 4:11-12, 1 Pe 2:4-8, Mga Taga Roma 9:33, Mga Awit 18:31.

TUNGKOL SA KAPATAWARAN AT PAGTATAPAT NG KASALANAN
Mat 16:19, 18:18 - Ang ulat ay hindi lamang ibinigay kay Pedro! Juan 20:22-23 Nasabi sa mga disipulo na hindi sa iilan-ilan lamang! Papaano naintindihan ng mga disipulo iyan ang mga salita ni Hesus? Sila ba ay nagbigay ng awtoridad na magpatawad ng mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtatapat, at ang pagbibigay ng pardon o kapatawaran? Kung ang mga Katolikong saserdote ay tama, ibig sabihin nito na ang mga disipulo ay mga mali! 1 Juan 1:7-9, Mar 2:7,10 (Si Hesus ang may kapangyarihang magpatawad!) Mga Gawa 2:37-38, 16:30-31.