|
MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S.
BAKIT AKO AY HINDI NAGDARASAL SA MGA IDOLO
|
|
Ang mga hindi mananampalataya ay namumuhi hindi dahil sa ating katauhan kungdi
dahil sa bagay na ating pinaniniwalaan.
1 Pe 4:1-4 - Kaya nga, yamang si Cristo ang nagbata ng hirap sa laman dahil
sa atin, maging gayundin nawa ang inyong pag-iisip sapagkat ang nagbata ng
hirap sa laman ay tumigil sa pakikipag-ugnayan sa kasalanan. Sa nalalabi
niyang panahon sa katawang ito ay hindi na siya namuhay para sa masidhing
pagnanasa sa laman kundi ang pagsunod sa kalooban ng Diyos. Sapat na ang
nakaraang panahon ng ating buhay upang gawin ang kalooban ng mga Gentil.
Lumakad tayo sa kahalayan, masamang pagnanasa, paglalasing, magulong
pagtitipon, mga pag-iinuman at kasuklam-suklam na pagsamba sa mga
diyos-diyosan. Iniisip nilang hindi pangkaraniwan ang hindi ninyo
pakikipamuhay sa kanila sa gayong labis na kaguluhan. Dahil dito nilalait
nila kayo.
(Gamitin ito bilang isang leksyon ng patotoo.)
ANO ANG IDOLO AT ANG PAGSAMBA SA IDOLO
- Ito ay isang imahen ng isang diyos o isang santo "ng anumang bagay
na nasa itaas sa langit, sa daigdig na ilalim, o nasa tubig sa ilalim,
EXO 20:4, na maaring naka-ukit, naka-molde o naka-pinta na ginagamit
bilang isang bagay o instrumento ng pagsasamba.
- Ito ang bagay na binibigyan ng labis-labis na pagmamahal o paghanga;
anumang nilikha na pinagtutuunan ng ating pagdarasal, pagpapapuri o
pagsasamba na pumapalit sa lugar ng ating Manlilikha! Mga Taga Roma
1:21-23,25.
- PAGSASAMBA SA IDOLO - ang anumang ginagawang pagsisilbi, pananalangin
or pagyukod sa mga idolo, Exo 20:4-5. Ibig sabihin nito na labis na
pagmamahal sa isang bagay na hindi naman Diyos. Isang bagay ng pagsasamba
o relihiyon na sinasamba ang isang idolo, o isang diyos-diyusan.
- DALAWANG KAHUBUGAN NG PAGSASAMBA SA IDOLO: Pagsamba sa mga
diyos-diyusan o hindi tunay na mga diyos, na mayroon ma't walang mga
imahen na ginagamit; at ang Pagsamba sa Tunay na Diyos sa pamamagitan
ng mga imahen, Jud 17, 18 Exo 32.
MGA DAHILAN KUNG BAKIT AKO AY HINDI SUMASAMBA SA MGA IDOLO
- Ang idolo ay walang kabuluhan - ito'y walang tunay kalikhaan.
1 Co 8:4-6; Mga Gawa 19:23-27. Ang pagiging Kristiyano ay nangangahulugan
ng pagtatakwil sa mga idolo, 1 Th 1:9-10. Ang pagsamba sa idolo ay prueba
ng kamangmangan! Mga Gawa 17:22-30. Si Pablo ay nagsasabi na ang kanilang
mga kaisipan ay naging walang kabuluhan, at ang kanilang walang kaisipan
ay napupunuan ng kadiliman, Mga Taga Roma 1:21-22. Si Satanas na nagnanais
na masamba ang kanyang sarili ay makagagawang pagsalitain ang mga imahen,
Mateo 4:9; Isaias 14:12-14; Pahiwatig 13:6-9, 12-15.
- Sa ating mga Kristiyano, wala nang ibang Diyos kundi iisa lamang.
Wala Siya kakaribal, Deu 6:4-5. Ang pagsamba sa anumang hubog na idolo
ay ipinagbabawal. Exo 20:4-5; Deu 5:7-9. Ito ay kasalanang pagrerebelyon
at pagkamuhi sa tunay na Diyos!
- Ang Diyos ay Espiritu, Juan 1:18, 4:24; Mga Taga Roma 1:20, 23;
1 Ti 6:16. Walang sinumang tao magpakailanman ang nakakita sa Kaniya
upang makita ang Kaniyang anyo o itsura. Ang pananampalataya sa Diyos
ay hindi nangangailangan ng likas na "pagkakita". Hebreo 11:1,
Juan 20:29. Hindi na kailangan pa ng mga mananampalataya ang anyo o
estatwa ni Hesus para Siya ay kaniyang ibigin o paniwalaan, 1 Pe 1:8-9.
Ang pagsamba sa mga idolo ay pagsamba sa mga demonyo, 1 Co 10:19-22,
Pahayag 9:20, Deu 32:16-18.
- Ang pagsamba mo sa idolo ay nauuwi sa pagkahalintulad mo sa iyong
idolo, Psa 115:8, 135:15-18. Tayo ay nagiging kaparis ng isang idolo
na ating sinasamba. At pagkatapos nito, ay nagbibigay daan sa kasamaan
at kasuklam-suklam na kasalanan, Mga Taga Roma 1:18-32. Ang dahilan kung
bakit ang mga sumasamba sa mga idolo ay mga relihiyoso at hindi banal ay
dahil sa ang "Diyos ay nagsawa sa kanila" at hinayaang sila ay gawin ang
kanilang mga nais. Inalis ng Diyos ang Kaniyang inpluwensiyang espiritual
at paggabay sa kanilang mga buhay. Dahil sa ang mga tao ay ayaw magmahal
sa katotohanan, ang Diyos ay nagpadala ng malakas na panglilinlang para
sila ay maniwala sa kasinungalingan ni Satanas, 2 Th 2:10-12.
- Ang mga anghel at mga santo ay hindi tumanggap ng pagsamba at kapurihan.
Mga Gawa 10:25-26, 14:11-18; Pahayag 8:9, Col 2:8-12. Ang mga santo ay
hindi makakatulong sa atin kapag sila ay namatay dahil hindi nila
maitutuloy ang kanilang mga gawain dito o maski saan man, Phi 1:22-25,
Heb 7:23. Ang panalangin sa mga (patay) santo ay pakikipag-ugnay,
pakikipag-usap sa mga patay, at ang mga ito ay pinagbabawal ng husto ng
Diyos, Deu 18:10-11. Ang espiritu ng patay ay hindi makakabalik magnais
man siya o maski na ipagdasal pa siya ninuman, 2 Sa 12:23, Lucas 16:27-31.
- Ang pagdarasal sa mga santo ay nangangahulugan ng paniniwalang sila ay
may pagka-diyos. BAKIT? Dahil ang pagdarasal sa kanila ay basihan ng
pag-aakala na sila ay narito ngayon para makapakinig, makakita,
makatulong o maka-ligtas! Ito ang mga kalidad na nasa Diyos lamang.
Walang 'nakanonisang' santo ang magkakaroon ng ganitong mga kalidad.
- Ang Diyos ay tumutugon sa panalangin sa pangalan ni Hesus. Juan 15:16,
16:23-24, 26-27; Hebreo 7:25. Dahil dito, wala nang kailangan pa sa mga
Kristiyano na "idaan" pa ang kanyang panalangin sa mga santo. Sa langit
ay mayroong iisang talagang nanalangin para sa atin: HESUS, Mga Taga
Roma 8:34; Hebreo 7:25-26, 1 Juan 2:1. Dito sa mundo, ang Banal na
Espiritu ang nanalangin para sa atin, Mga Taga Roma 8:26-27, si Hesus
ang tanging kailangan sa pagtulong sa mga makasalanan at tayo ay kumpleto
na sa Kanya, Col 2:8-10, 18-19.
- Si Hesus ay ang handang Tagapamagitan sa bawat mananampalataya, Juan
14:6; Hebreo 10:19-23, 1 Ti 2:5. Ang Kultong Marian ay nagtuturo na tayo
ay makakatungo lamang kay Hesus sa pamamagitan ni Maria. Ang Biblia ay
pinabulaanan ang paniniwala kay Maria. Ang totoo, ang Diyos na Ama ang
Siyang nagdala sa atin kay Hesus! At si Hesus ay hindi tayo itinataboy
kung tayo ay lumalapit sa Kanya, Juan 6:37, 45, 65. Hanggang sa ngayon,
ang Ama ang Siyang nagdadala sa atin kay Hesus at hindi niya iniutos ito
maski kaninuman! Si Hesus mismo ang nag-aanyaya sa atin, Mateo 11:28-30;
Pahayag 3:20.
- Ang pagsamba sa mga idolo ay hindi magdadala sa atin sa langit kungdi sa
dagat-dagatang apoy! Gal 5:19-21, 1 Co 6:9-10; Pahayag 21:8, 22:15.
Ang pagsamba sa idolo ay ang paraan ni Satanas upang ikaw ay malayo sa
Diyos ngayon at magpakailanman.