|
MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S
Paniniwala Ayon sa Salita Ng Diyos
|
|
Ilan sa mga kababayan nating Pilipino ay saradong Katoliko, subalit ang
kanilang paniniwala ay ayon sa kinagisnan nilang tradisyon sa turo pa ng mga
nakakatanda sa kanila at hindi ang mga nasusulat sa kung tawagin natin ay
BANAL NA AKLAT O ANG BANAL NA BIBLIYA.
Ito na leksiyon siyasatin natin ang kanilang paniniwala : naayon ba sa SALITA
NG DIYOS o hindi.
PANGUNAHANG BERSIKULO : (MAT. 22:29) - "Sumasagot si Hesus : Nagkakamali
kayo dahil sa hindi ninyo pagkaalam sa kasulatan ni kapangyarihan ng Diyos."
Introduksiyon: Napakadaling sabihin ng bawat isa na naniniwala
silang may panginoon, pero sa kanilang paniniwala :
Hindi nila alam kung anong klase ang gusto ng Diyos. (Halimbawa : Siete
palabras lang ang alam ng iba na siyang salita ng Diyos)
Ang paniniwalang gumawa ng kung anong Diyos na kahoy para sambahin o
gumagawa ng kapilya sa kanikanilang patron na santos...
Ang naniwala at nagtuturo ng mga salita ng diyos pero hindi sapat ayon
sa nasusulat sa BANAL NA AKLAT. (Halimbawa: ang alam nila ay ang sampung
utos lang ng Diyos ang nasusulat sa Bibliya dapat ituro.) Ang mga taong
ito ay may talintong pagtitiwala sa Diyos at naniniwalang may Diyos pero
hindi alam ang totoong sinasabi ng Diyos na ang lahat ay nasusulat sa
Banal na Aklat.
- Paliwanag ayon sa Salita ng Diyos (Romas 10: 1-3)
- Una sa Lahat - Sila ay maka-Diyos. Malaki ang
pagmamalasakit nila sa Diyos.
- Maling pannawa - Subalit ang pagmamalasakit nila sa Diyoa ay hindi
ayon sa kaalaman.
- Ang maling resulta - Dahil sa hindi nila pagkaunawa tungkol sa
pagiging matuwid na galing diyos.
- Maling sagot sa ebanghelyo - at dahil sa pahnanasng magtayo ng
sariling pamamaraan, ayaw nilang pasakop sa katwiran ng Dios.
- Si Kristo ang hangganan ng lahat ng kautusan, at ibibilang na matuwid
at ligtas ang sumampalataya sa kanya. Ang taong nagsasawa ang mga bagay
ayon sa kautusan ay mabubuhay ng matuwid.
- Dapat ituro ang salita ng Diyos :
- Alam ng diyablo na makapangyarihan ang mga Salita ng
Diyos na ito'y patungo sa kaligtasan, at ito ay inaalis sa puso ng
mga mananampalataya at mabubuhay sila sa maling katuroan upang hindi sila
maliligtas_(Lucas 8:12)
- Ang diyablo ay sinungaling at ang ama ng kasinungalingan.
Hindi niya gusto maituro ang katutuhanan upang manatili sa kadiliman.
- Sinabi ni Hesus naituro ang salita ang Diyos upang ang
tao maniwala at manampalataya. Ang Bibliya ang batayan ng pananampalataya.
- Ang pananampalataya'y nagmumula sa pakikinig sa salita ng Diyos.
(Rom. 10:13-17)
"Bawat tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas, Papaano nila
tatawagan ang hindi nila sinasampalatayan? Paano nila sasampalatayan ang
hindi nila napapakinggan? At paano sila makapakinig kung hindi sila sinugo?
- Mga kadahilan kung bakit gusto ng diyos na ang ating pananampalatay ay
ayon sa kanyang mga salita:
- Sapagkat ang kanyang salita ay isinulat upang sumampalataya
kayo na si Hesus ang Cristo, ang Tagapagligtas. (Juan 20:31; 2 Tim. 3:15
- 17 ).
- Ang kanyang salita ang hahatol sa lahat na tao.
- Sapagkat kung makikinig tayo at mananatili tayo sa kanyang mga salita,
pakikinggan niya ang anumang hilingin natin sa kanya.. ( Pro. 1:24 - 30 ;
28:9 ; Zec. 7;11 - 13; Joh. 15:7)
- Ang kanyang salita ay makapangyarihan at makabuluhan kaysa sa salitang
gawa lamang ng mga tao. Mat. 15: 1-3)
- Ang pakikinig sa salita ng Diyos ay nagpatunay na anak sa Diyos.
Pangkalahatang aral: Paano ang araling ito nakatulong sapapangailan mo
upang matagpuan kung ano ang sinasabi sa bibliya?