MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S.
ANG BIBLIA AY SALITA NG DIYOS

MGA KATOTOHANAN TUNGKOL SA BIBLIA

  1. Ito ang parating pinakamabiling libro sa buong mundo.
  2. Sa umpisa'y isinulat sa tatlong lingwahe - Hebreo, Aramaika at Griego, ang Biblia ay ang tanging libro na isinalin sa pinaka-maraming lingwahe.
  3. Ito ring ang libro na nagkaroon ng pinakaraming pag-uusig. Marami ang nagsikap na sunugin, ipinagbawal ang mga ito, pero ito pa rin ang isang librong mas makikita sa mga tahanan, mga ospital at ibang pang mga pasanayan. Ito ang isa sa mga pinakalumang libro sa buong mundo pero ang mga mensahe nito ay magagamit sa modernong kapanahunan. Nagbibigay ito ng mga katugunan sa mga dakilang tanong ng mga tao sa ilang nagdaang henerasyon. Saan ako nagmula?, Saan ako patungo?, Bakit ako naririto? Ang mga katotohanang ito ang nagsasabing ang Biblia ay hindi isang pangkaraniwang libro.

ANG BIBLIA - ANG SALITA NG DIYOS SA SANGKATAUHAN

  1. Ang Biblia ay ang isinulat na pahiwatig ng Diyos sa tao sa tanging paraan na ating tinatawag na inspirasyon. Maraming klase ng tao ang sumulat ng Biblia sa pamamagitan ng inspirasyon na nagmumula sa Banal na Espiritu: (2 Kay Tito 3:16) Kinasihan ng Diyos ang bawat kasulatan. Ang mga ito ay mapakikinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid, at sa pagsasanay sa katuwiran.
  2. Ang Biblia ay may isang sentral na paksa - Maski na ang Biblia ay may 66 na mga libro, ito ay may iisang paksa: ANG PLANO NG DIYOS KALIGTASAN NG SANGKATAUHAN. Ang paksang ito ay naitatag mula pa sa mga Lumang Testamento or Lumang Tipan hanggang sa mga Bagong Testamento o Bagong Tipan. Ang Lumang Testamento, nagsasabi ng mga ginawa ng Diyos sa pagtayo ng isang nasyon sa pamamagitan nito'y si Hesus, na Anak ng Diyos, na Tagapagtubos ay manggagaling. Ang mga Bagong Testamento ang nagsasabi ng kapanganakan, buhay, ministeryo, pakikipagpalit na kamatayan sa krus at ang resureksyon mula sa kamatayan ni Hesu Kristo, na Anak ng Diyos, na ating Tagapagtubos.
  3. Ang pinakadakilang pangako ng Biblia sa Juan 3:16 - Ito ay sapagkat sa ganitong paraan inibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

ANG LAYUNIN NG BIBLIA

  1. Ang pinaka-layunin ng Diyos sa pagbibigay ng Biblia sa atin ay upang malaman natin ang daan ng kaligtasan: Ang Biblia ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananalig kay Hesu Kristo. (2 Kay Timoteo 3:15) … alam mo na ang banal na mga kasulatan ay makakapagbigay ng karunungan sa iyo ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu Kristo.
  2. Ang Salita ng Diyos ay magtuturo pa rin mananampalataya kung paano mamuhay sa Diyos. Ang pagiging Kristiyano ay hindi lamang upang magkaroon ng relihiyon. Pero ito ay upang magkaroon ng buhay na relasyon sa Banal na Diyos. Sa ganito ang Kristiyano ay kailangang mamuhay ng isang banal na buhay kaparis ng Diyos na kanyang pinapaniwalaan.
    (2 Pe 1:3,4) 3Ayon sa kaniyang kapangyarihan, ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang lahat ng bagay na nauukol sa buhay at sa pagkamaka-Diyos sa pamamagitan ng pagkakilala sa kaniya na tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaluwalhatian at kapang-yarihan. 4Sa pamamagitan nito, ibinigay niya sa atin ang kaniyang mga mahalaga at dakilang pangako upang sa pamamagitan ng mga ito ay makabahagi kayo sa banal na kalikasan ng Diyos. Yamang nakaiwas na kayo sa kabulukan ng sanglibutan dahil sa masasamang pagnanasa, nakibahagi na kayo sa kabanalan ng Diyos.
  3. (Awit 119:9-11) 9 Paano ba iingatang magin wagas yaong buhay, Yaong buhay ng binata sa kaniyang kabataan? Ang tugon ay: "Sumunod s'ya sa banal mong kautusan." 10 Buong puso ang hangad ko na ikaw ay paglingkuran, Sa pagsunod sa utos mo, huwag mo akong babayaan. 11 Ang banal mong kautusa'y sa puso ko iingatan, Upang hindi magkasala laban sa 'yo kailanman.

KONKLUSYON: KATAPUSAN: Sa pamamagitan ng Biblia, ang Diyos ay nagsasabi sa sangkatauhan ng Kanyang plano ng kaligtasan. At ang Diyos ang Siyang naniniguro na ang planong ito ay nakasulat para tayo ay makasiguro sa daan ng kaligtasan.