MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S.
ANG PAGKILALA SA DIYOS

INTRODUKSIYON
Mateo 15:8-9 "8Paggalang na handog sa 'kin ng bayan ko'y paimbabaw lamang, Sapagkat sa bibig at hindi sa puso ito bumubukal. 9Pagpuri't pagsambang ginagawa nila'y walang kabuluhan, Ang utos ng tao ay itinuturong utos ng Maykapal."

Madaling sabihin ng isang Pinoy na kilala niya ang Diyos. Gayun pa man, kung iyong titingnan ang sinasabi sa Biblia, madaling makikita ng isang tao ang mali niyang kaisipan sa kung sino talaga ang Diyos.
Ang tutuong kaalaman ay nakakapagbago ng buhay ng tao. Walang makakakilala talaga sa Diyos hangga't hindi nababago ang kaniyang buhay dahil sa katalagahan at katangian ng Diyos. (Kay Tito 1:16) Sinasabi nilang kilala nila ang Diyos ngunit Siya ay ipinagkakaila nila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa o kilos. (Ilustrasyon: Ang Pilipinas ay kilala sa pagiging isang Kristiyanong nasyon sa Asia, pero ang talagang larawan ng kagandahang-asal at gawi ng mga Pilipino ay malayo sa huwaran ng Kristiyano.)

ANG KATULARAN NG DIYOS
Ang Diyos ay masyadong dakila upang ating matuntunan ng husto. Tinatanong sa Biblia (Job 11:7) Ang mga hiwaga ba ay iyong matatarok, O madadalumat ang kapangyarihan ng Diyos? Ang mga sumusunod ay mga katotohanan tungkol sa Diyos na magbibigay ng iba pang kaalaman.

  1. ANG DIYOS ANG MAY LIKHA NG LAHAT
    1. Ang paniniwala na ang Diyos ang may likha ng lahat ay ang batayan ng pagkakilala natin sa Diyos, Heb 11:3. TANONG: Ano ang kinahihinatnan ng buhay na hindi naniniwala sa Diyos ng Kalikhaan. Ang sangtinakpan ay nagtuturo sa isang Diyos ng Kalikhaan.
    2. (Neh 9:6) At lang lahat ay sama-samang nanalangin, "Ikaw lamang Yahweh, ang Panginoon; Ikaw ang lumikha ng kalangitan at mga bituin, Nilikha mo ang lupa, ang dagat at lahat ng naroroon; Binigyan mo sila ng buhay, Sinasamba ka ng lahat sa kalangitan.
    3. (Mga Awit 139:13) Ang anumang aking sangkap, ikaw O Diyos ang lumikha, Sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata.
  2. ANG DIYOS AY MAKAPANGYARIHAN
    1. (1 Ch 29:11) Sa iyo ang kadakilaan, ang kapangyarihan, ang karangalan at ang pagtatagumpay pagkat iyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa. Sa iyo ang buong pamamahala at ikaw ang hari ng lahat.
    2. (Isa 66:1) Ito ang salita ni Yahweh: "Ang aking trono ay ang kalangitan, At itong daigdig ang aking tuntungan: Saan ka gagawa, paano mo gagawin ang aking Templo, Na aking tiraha't pahingahang dako?
    3. (Efeso 3:20) Sa Diyos na makagagawa nang higit kaysa lahat ng maaari nating hilingin at isipin , sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang nagahari sa atin.
  3. ANG DIYOS AY ALAM ANG LAHAT
    1. (Heb 4:13) Walang makapagtatago sa Diyos; ang lahat ay hayag at lantad sa kanyang paningin, at sa kanya tayo magsusulit.
    2. (1 Juan 3:20) Sakali mang tayo'y usigin niyon. Sapagkat ang Diyos ay higit sa ating budhi at alam niya ang lahat ng bagay.
  4. ANG DIYOS AY BANAL
    1. Ang sakdal na kabanalan ng Diyos ang nagsasabi ng lubos na kapurihan. Hindi Siya nagkakasala o nagpapahintulot ng kasalanan. Ang kabanalan ay ang Kaniyang kaluob-loobang katangian, na hindi Niya nakukuha sa labas ng Kaniyang sarili. Siya ay lubos na perfectong banal sa lahat ng Kaniyang kaisipan, sinasabi at ginagawa.
      (1 Sa 2:2) Kayo lamang ang banal, Yahweh. Walang makatutulad sa inyo, Walang ibang kanlungan ang mga matuwid liban sa inyo.
    2. (Lev 19:2) Magpakabanal kayo, sapagkat akong si Yahweh ay banal.
  5. ANG DIYOS AY ISANG ESPIRITU
    1. Bilang espiritu, ang Diyos ay walang kalamnan at buto (Lucas 24:39), at Siya ay hindi nakikita (Col 1:15)
    2. Dahil dito kung bakit pinagbawalan ng Diyos ang Israel na gumawa ng mga imaheng nakikita o ng anuman mga bagay na inahahalintulad Siya.

PAPAANO NATIN MAKIKILALA ANG DIYOS
Ang Diyos ay isang taong ating makikilala. Ipinakikita ng Biblia sa atin na ang Diyos ang Siyang nagpapahayag ng Kanyang sarili sa Kanyang mga nilikha. Ang Diyos na lumikha sa tao na may isip at kadaliang espirituwal ang nagpapatunay ng intention ng Diyos sa mga tao. Gayon pa man, mula ng pagkahulog ng katauhan, ang mga kadaliang ito ay nagkaroon ng kalabuan at ang tao ay hindi makatuklas sa Diyos sa kanyang sariling kaisipan. Sa gayon, ang Diyos na mismo sa kanyang kagandahang-loob at pagmamahal ang siyang nagkusa upang Kanyang ipinahayag ang Kanyang sarili sa mga tao. Ang pagpunyaging ito ng Diyos ay nangyari sa ating Panginoon na si Hesu Kristo (Heb 1:1-3). PAHAYAG - ito'y tumutukoy sa pagpapakilala ng Diyos ng Kaniyang sarili sa mga tao. Ang mga sumunod ay mga pagpapahayag ng Diyos sa Kaniyang sarili sa sanglibutan:

  1. PAGPAPAHAYAG NG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG KALIKASAN
    1. (Mga Awit 19:1) Ang langit ay naghahayag na ang Diyos ay dakila! Malinaw na nagsasaad kung ano ang kanyang gawa!
    2. (Roma 1:20) Mula pa nang likhain niya ang sanlibutan, ang kalikasang di nakikita, ang kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Diyos ay maliwanag na inihahayag ng mga bagay na ginawa niya. Kaya't wala na silang maidadahilan.

  2. PAGPAPAHAYAG NG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG KONSYENSIYA
    1. Ang konsensiya ay ang pagkaalam ng tama at mali, na may kaudyukan na gumawa ng tama - na ito's inilagay ng Diyos sa mga tao ng sila'y Kaniyang nilikha.
    2. Ito ay natural na batas na taglay ng sangkatauhan na nagpapahiwatig ng isang nagbibigay ng pinakamataas na batas, na kung kanino nananagot ang buong sanglibutan.
    3. Ang konsensiya kung sa ganoon ay pahiwatig ng Diyos, na Siyang pinakatutuntunan ng isang taga-bigay ng batas (Mga Taga Roma 2:14-15). Ganoon pa man, dahil sa kasalanan, ang konsensiya ng tao ay nadungisan na at ngayon nga ay hindi na sapat upang makapag-pahiwatig ng husto ang Diyos sa sangkatauhan.

  3. ANG PAHIWATIG NG DIYOS SA BANAL NA KASULATAN
    1. Ang Biblia ay ang nakasulat na pahiwatig ng Diyos. Ang pag-aaral ng Banal na Kasulatan ay nagsisikap na ipakilala ang Diyos.
    2. (Juan 5:39) Sinasaliksik ninyo ang mga Kasulatan, sa paniwalang doon ninyo matatagpuan ang buhay na walang hanggan. Ang mga ito ang nagpapatotoo tungkol sa akin.

  4. ANG PAHIWATIG NG DIYOS KAY KRISTO
    1. Ang pahiwatig ng Diyos sa kalikasan at konsensiya ay hindi sapat sapagkat ang mga ito'y nagsasabi lamang ng mga katangian ng Diyos, at hindi ng Kaniyang pagkatao.
    2. Ito ay kailangan ng isang personal na pahiwatig ng Diyos at matatagpuan kay Hesu Kristo. Si Kristo ang pinakabuong pahiwatig ng Diyos kasama na ang Kaniyang kalooban, kalikasan, katauhan at katangian. Kung ikaw ay titingin kay Hesus ay para ka na ring tumingin sa Diyos dahil si Kristo ang pinakamaliwanag na larawang-diwa ng Diyos sa forma ng isang tao. (Coloso 1:15)Si Cristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita, at siyang may kapangyarihan sa lahat ng nilikha.
    3. (Juan 1:18) Kailanma'y walang nakakita sa Diyos, subalit ipinakilala siya ng bugtong na Anak - - siya'y Diyos - na lubos na minamahal ng Ama.
    4. (Heb 1:1-3) 1 Noong una, nagsalita ang Diyos sa ating mga ninuno sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta. 2Ngunit ngayon, siya'y nagsalita sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Sa pamamagitan ng Anak ay nilikha ng Diyos ang sansinukob at siya ang itinalaga niyang magmay-ari ng lahat ng bagay. 3Ang Anak ang maningning na sinag ng Diyos, sapagkat kung ano ang Diyos ay gayon din ang Anak. Siya ang nag-iingat sa sansinukob sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita. Pagkatapos niyang linisin tayo sa ating mga kasalanan, siya;y lumuklok sa kanan ng Diyos, ang makapangyarihan sa lahat.

PAGHAMON: Ang layunin ng lahat ng mga pahiwatig ng Diyos ay upang ang tao ay makilala Siya ng personal at sa paraang naranasan nila - isang bagay ng pagkakilala sa Diyos na nagpapabago sa isang makasalanan.