|
MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S.
SERYE NG PAGIGING DISIPULO
|
|
ARALIN 1 - NGAYONG IKAW'Y TUMANGGAP NA KAY KRISTO NA IYONG TAGAPAGLIGTAS
Ang iyong pagtanggap kay Kristo bilang iyong personal na Tagapagligtas ay isang
pinakadakila at pinaka-matalino mong desisyon na nagawa. Iyong matutuklasan
ito sa pagbubunga ng iyong desisyon na yan.
- Pagbalik-aralan natin ang Ebanghelyo:
- Ang Ebanghelyo ay ang kapangyarihan ng diyos sa pagliligtas - Mga Taga Roma 1:16
- Tayo ay MAKASALANAN, hindi natin maliligtas ang ating sarili - Mga Taga Roma 3:23
- Ang kaparusahan ng kasalanan ay KAMATAYAN - Mga Taga Roma 6:23
- Subalit tayo ay minamahal ng Diyos, ibinigay Niya ang Kaniyang ANAK PARA MAMATAY sa ating lahat - Mga Taga Roma 5:8
- At SA NGAYON, ang kaligtasan ay isang LIBRENG handog - Mga Taga Roma 3:23
- Ano ang iyong ginawa upang matanggap ang handog ng kaligtasan:
- PAGSISISI sa lahat ng iyong kasalanan - Lucas 3:3
- PAGTATAPAT ng iyong mga kasalanan sa Diyos - 1 Juan 1:9
- PANINIWALA mo sa Panginoong Hesu Kristo - Mga Gawa 16:31
- PAGTANGGAP mo kay Hesus sa iyong buhay - Juan 1:12
- Ano ang nangyari sa iyo:
- Si Hesus ay naging sarili mong Tagapaglitas - 1 Titus 1:15-17
- Pinatawad Niya ang lahat ng iyong kasalanan - Heb 10:17
- Ikaw ay isang ng LIGTAS - Efeso 2:8-9
- Ikaw ay naging isang ANAK ng Diyos - Mga Taga Roma 8:15,16
- Ikaw ay naging isang BAGONG NILALANG - 2 Co 5:17
- Si Hesus ay simulang nagpapakita sa iyo ng Kanyang Kaharian - Juan 3:3
- Ikaw ay muling ipinanganak, may bago kang buhay kay Kristo - Efeso 2:1-5
- Saan ka ngayon kabilang:
- Wala ka na sa madilim na kaharian ni Satanas - 1 Pe 2:9
- Wala ka na sa sanlibutan, kundi sa Diyos - Juan 15:18-21
- Sapagkat ang diyablo ay hindi mo magiging kaibigan - 1 Pe 5:8
- Manatiling nakasunod sa Diyos upang itaboy ang Diablo - Santiago 4:7
- Si Hesus na nasasa-iyo ay mas dakila kaysa sa Diablo - 1 Juan 4:4
- Ang mananampalataya ay handa sa pagsubok at paghihirap - Mga Gawa 14:22
KATAPUSAN: Dahil sa lahat ng ito na nangyari sa iyo, huwag kang magtataka
kung kaagad-agad ay magkakaroon ka ng pag-uusig at oposisyon o katunggalian.
Napag-alaman na ng diyablo na ikaw ay wala na sa kangyang kaharian. Subalit
manatili kang matapang sa kalooban, ang Diyos ay magwawagi sa iyong buhay!
PANALANGIN: Ipagdasal ang proteksiyon at pag-iingat at pagmamahal ng Diyos sa
bagong mananampalatayang ito. At imbitahan mo siya na magpasalamat sa Diyos
sa handog Niyang kaligtasan, sa pagpapatawad ng kanyang kasalanan, at sa
bagong kabuhayan.
ARALIN 2 - ANG KATIYAKAN
Papaano mong malalaman na ikaw bilang isang bagong mananampalataya ay talagang
ligtas na?
- ANG DIYOS AY HINDI SINUNGALING! Mga Taga Roma 3:4 "ang Diyos ay totoo
at ang bawat tao ay sinungaling." Isa sa mga plano ni Satanas ay ang
pahinain ang bagong mananampalataya at siya ay maghahasik ng pag-aalinlangan
sa iyong bagong karanasan (Mat 13:18-23)
- ANG DIYOS AY NAG-UUTOS NA TIYAKIN MO ANG IYONG KALIGTASAN. Gawin mong
katiyakan ang iyong katawagan (2 Pe 1:3-11). Paniwalaan ang patotoo ng Diyos
at hindi ng diyablo or mga sabi-sabi ng mga tao na nagbibigay alinlangan.
Ang pag-aalinlangan sa patotoo ng Diyos ay pagsasabing ang Diyos ay bulaan
(1 Juan 5:9-12). Ang Diyos ay hindi nakakapag-sinungaling!
- TATLONG PINAGMULAN NG KATIYAKAN
- Ang Salita ng Diyos ay totoo, hindi nakakapag-sinungaling ang
Diyos - Tito 1:2; Heb 6:18
- Si Kristo ay nasasaiyo, Siya ay nasa iyong buhay na ngayon - Juan 3:36; 5:24
- Ang patotoo ng Espiritu ng Diyos sa iyo - Mga Taga Roma 8:9, 16
- KAILANGAN MO ANG TAMANG BATAYAN - Gawin mo na ang Salita ng Diyos ang
batayan ng iyong pananalig. Huwag kang magtiwala sa damdamin, o magpadala
sa salita ng sangkatauhan, subalit maging matatag sa mga katibayan ng Salita
ng Diyos.
- Ang Biblia ay isinulat para maging basi ng pananampalataya - Juan 20:31
- Para ipahayag ang katotohanan ng buhay na walang hanggan - 1 Juan 5:13
- Para ikaw ay maging matalino tungkol sa kaligtasan - 2 Tito 3:15
- Ang Biblia ay isinulat para sukatin ang ating paniniwala at mga gawi - Mat 22:29
- Isinulat para suriin ang mga doktrina ng katuruan - Mga Gawa 17:11
- Isinulat para magturo, makapagsabi at makatuwid - 2 Tito 3:16-17
- Isinulat para halinhan o baguhin ang tradisiyon na likha ng mga tao - Markus 7:79
KATAPUSAN: Hindi natin dapat ipanganib ang ating iternal na destinasyon sa
payo ng katauhan o relihiyon, bagkos ay kailangan natin ang katiyakan na
nagmumula sa Diyos at sa Kaniyang Salita.
PANALANGIN: Purihin ang Diyos sa Kaniyang katapatan sa Kaniyang pangako.
Pangunahan mo ang mananampalataya na isambit ang kanyang katiyakan sa Diyos
at ang kanyang bagong karanasan sa kaligtasan ng Diyos.
ARALIN 3 - IKAW AY HANDA NG LUMAGO SA PANANALIG!
Ikaw ay nagbabagong buhay. Ikaw ay nagtatatag ng bagong halimbawa at gawi
sa buhay. Ikaw ay mangagailangan ng tulong. Ikaw ay aking tutulungan sa
ating pagaaral ng mga sumusunod na sesyon natin.
Ang isang batang bagong ipinanganak na natural ay mamatay kung hindi siya
aarugahin ng mga magulang. Ganito din katotoo ito sa bagong buhay na
espirituwal. Kung ang bagong ipinanganak na bata ay pinakakain, ito ay
lalaki; subalit kung iyong pababayaan, ito ay mamatay. Kung ano man ang
inumpisahan ng Diyos sa iyong buhay, ito ay Kaniyang tatapusin! Filipo 1:6
KAILANGAN MUNG LUMAGO SA PANANALIG SA BUHAY: Ito ang katunayan ng bagong
BUHAY!
- Lumago ka sa iyong bagong buhay, kaparis ng isang bagong ipinanganak
na bata- 1 Pe 2:2-3
- Ang layunin ng Diyos sa iyong buhay: upang maging kaparis ni Kristo
- Taga Roma 8:28-29
- Si Kristo ang ating halimbawa. Bawat mananampalataya ay
dapat lumago ayun sa layunin ng Diyos Gal 4:19
- Magandang magkaroon ng paninindigan sa buhay na nakatuon sa kay Hesus,
at hindi kanino pa man Heb 12:2
- Ating mararating din ang buong kasukatan at kapuspusan ni Hesus, at tayo
ay hindi na matuturing pa na isang bata sa pananalig. Efeso 4:13-15.
- Ang Diyos na nagsimula ng mabuting gawa sa inyo ay magtatapos nito
hanggang sa inyong paglago. Filipos 1:6
- Ingatan ang gawain ng Diyos sa iyong pang-araw araw na buhay. 1Th 5:23
- Ipinagkaloob ng Diyos ang lahat ng bagay na nauukol para sa ating paglago
sa pananalig,2 Pe 1:3-5
ARALIN 4 - ANG MGA PROBISYON O MGA PINAGKALOOB SA ATING PAGLAGO
- Ang Salita ng Diyos - Pagkain Espirituwal
- Kailangan ang pagkain sa ating paglago.
- Ang Biblia ang ating pagkain pang-espirituwal para sa espirituwal na
paglago - Mat 4:4
- Ito ay gatas sa bagong panganak at pagkain sa mga matatanda na 1 Pe 2:2;
Heb 5:12-14
- Ang paglago ay maibabagay mo sa taas ng inyong kaalaman sa Salita ng
Diyos, ganoon din na ang pisikal ng pangangatawan ay maibabagay o masusukat
sa dami ng pagkain na inyong nakukunsumo. Col. 3:16; Mga Gawa 2:42
- Ang paglago sa Salita ng Diyos ay naaayon sa pakikinig ng inyong kalooban
at sa pagsunod sa kasabihan ng Diyos. Mat 13:19-22
- MGA KAPASYAHAN NA DAPAT GAWIN:
- Bilang isang mananampalataya, kailangan ang pananatili sa
salita at kautusan ng Diyos Juan 8:31-36
- Bilang isang mag-aaral, ikaw ay kailangang magnais na matuto sa katuruan
ng Banal na Salita, Mga Gawa 8:27-35.
- Nararapat din na ikaw ay magsiyasat ng Biblia sa iyong sariling
pag-aaral, 2 Tito 2:15. Mag-umpisa sa Kasulatan ni Marcos at ng Mga
Taga Roma.
- PAKIKIPAG-UGNAY SA DIYOS (PANALANGIN)
Kung ang Biblia ay ang ating pagkain espirituwal, ang panalangin ay
maihahalintulad natin sa ating paghinga. Ang paghinga ay may dalawang
parte: paghingang palabas at papasok - ganuon din ang panalangin ay may
dalawang paraan: tayo ay nakikipag-usap sa Diyos, at ang Diyos ay
nakikipag-usap sa atin.
- Ang katuruan ni Kristo tungkol sa panalangin - Luk 11:1-4
MAHALAGA: Ang Diyos ay ating Ama, makipag-usap tayo sa Kaniya ng may
kalayaan.
- Manalangin sa lahat ng oras - 1 Th 5:17
- Ipaalam sa Diyos ang iyong mga samo - Filipos 4:6,7
- Ang pagsunod at katugunan sa panalangin - Ang panalangin ay hindi para
lamang humingi para pakinggan tayo ng Diyos kung hindi kailangan rin na
tayo ay magnais na pakinggan and sinasabi ng Diyos sa atin at upang Siya
ay ating sundin. Ang mga taong marunong makinig sa Diyos ay may Diyos na
marunong din makinig sa kanilang mga kahilingan (Basahin: Pro 1:24-31;
Zek 7:11-13)
PAGTATAPOS: Tayo ay manalangin sa ano mang kahilingan ninyo. (Ikaw ay
maghalimbawa kung paano ang tumpak na panalangin sa mga bagong
mananampalataya)
- ANG BANAL NA ESPIRITU AY TUMUTULONG SA ATIN
Ang Diyos ay umaasa na ang kaniyang mga anak ay mamumuhay na kaparis ni
Kristo. Ngunit hindi natin kayang maipamuhay ito sa ating sarili lamang.
Alam ng Diyos ito. Kaya ibinigay Niya sa atin ang Banal na Espiritu upang
tayo ay makapamuhay ng buhay Kristiyano. Ang susi sa matagumpay na pamumuhay
Kristiyano ay ang pagkakiling at pagsunod natin sa Banal na Espiritu.
- Ang Banal na Espiritu ay namumuhay sa mananampalataya -
Efeso 3:16, 17a
- Ang Banal na Espiritu ay nagbibigay ng kapanyarihan sa atin - Mga Gawa 1:8
- Kanyang binubuo ang mga katangian ni Kristo sa atin, ang mga bunga ng Banal
na Espiritu - Gal 5:16-23.
- PAGSASAMAHAN
- PARA SA ATING PATULOY NA PAGLAGO
- Pagsasamahan - ibig sabihin ay pakikisama o pagkakaroon
ng mga bagay na pare-pareho.
- Kanino tayo may pagkakasamahan? Natutunan natin na tayo ay hindi na sa
sanlibutan. Sa makatuwid, ang sanlibutan ay ayaw sa atin. Kaya
kinakailangan na tayo ay makisama sa kapwa nating mananampalataya. Ng
tanggapin natin si Kristo, tayo ay ipinanganak sa lipunan o pamilya ng
Diyos (Juan 1:12).
- Ang ehemplo ng mga unang Kristiyano - Mga Gawa 2:42-47
- Mahalagang prinsipiyo - ikaw ay wala ng pakikipagsamahan sa mga hindi
mananampalataya. Pag-aralan mo ang 2 Co 6:14-18.
- ANG SIMBAHAN - ANG PLANO NG DIYOS SA PAGSASAMAHAN
- Ano ang ibig sabihin ng "simbahan" - ang pagtitipon ng mga
taong nanalig kay Hesus bilang kanilang Tagapagligtas, nagkaroon ng
kapatawaran sa kanilang kasalanan, at nagkaroon ng buhay na walang hanggan.
Ang simbihan ay hindi isang "building" o gusali kungdi 'mga tao'. Sa
tuwing magsasama-sama ang mga mananampalataya, sila ay ang simbahan
(Mateo 18:20).
- Isinagawang landas sa pagiging bahagi ng simbahan - bilang isang kasapi
sa isang pampook na simbahan. Ang simbahan ni Kristo ay binubuo ng bawa't
mananampalataya sa buong mundo. Ngunit mahirap makipagsamahan sa mga tao
na nasa buong mundo. Kaya nga ang Biblia ay nagsasabi na nagplano ang Diyos
na ang bawat mananampalataya ay makipagsamahan sa kanyang pampook na
simbahan.
Halimbawa: Simbahan sa Tesalonica (1 Tes 1:6-10) at Simbahan sa
Laoditia (Pahayag 3:14-17)… at sa pagdating ng araw… tayo ay magkakaroon
ng simbahan dito sa (pangalan ng lugar) _____________.
- EHERSISYO ESPIRITUWAL: HUMAYO AT MAGPAHAYAG SA MGA TAO
Ang ating mga pangangatawan ay nangangailangan ng ehersisyo para lumakas.
Sa ating buhay Kristiyano, kailangan din natin ang ehersisyo. Ang
pagpapahayag sa ibang tao tungkol kay Kristo ay ang ating ehersisyong
espirituwal.
- Bakit kailangan tayong magpahayag sa ibang tao - Mateo 10:32
- Maaari kang magumpisang magpahayag duon sa mga taong marunong makinig.
- Paanong magpatotoo: Sa pamamagitan ng nabagong mong kabuhayan; sa
pagpapatotoo (tingnan ang iyong mga nota sa pangpersonal na pag-ebanghelyo)
PROYEKTO: (Planuhin mo na ang taong iyong ginagabayan ay makasaksi ng iyong
pagpapatotoo sa ibang tao, siguro iyong isa sa kaniyang mga kamag-anak o
kaibigan.)
ARALIN 5 - PAGSUNOD SA KAPANGINUAN NI HESU KRISTO
ANG PANGANGAILANGAN NG PAGSUNOD - Ang pagbilis ng ating paglago sa ating
buhay Kristiyano ay nakasalalay sa ating pagsunod sa mga kautusan ng Diyos.
Maraming mga bagay ang dapat na baguhin sa ating buhay, ang Salita ng Diyos
at ang Banal na Espiritu ang nagpapakita nito sa atin.
- Ang pagsunod ay ang paggawa ng mga sinasabi ng Diyos sa atin at ang
pagiging isang taong Kaniyang ninanais sa ating buhay.
- Ito ang katibayan ng ating pagmamahal sa Panginoon, at ito ang paraan
para malubos ang ating kagalakan - Juan 15:9-12, 1 Juan 5:3.
- Sapagka't si Hesus ay Panginoon - tinanggap mo si Kristo hindi lamang
bilang iyong Tagapagligtas kungdi bilang isang Panginoon din (Basahin Mga
Taga Roma 6:23).
Ilustrasyon: Basahin na mabuti: Lucas 6:46-49 - Maraming tao ngayon
na tinatawag ang kanilang sarili na Kristiyano, pero hindi sumusunod sa
Diyos. Ang mga huling araw ang magbubunyag kung sino talaga ang mga anak
ng Diyos at ito ay ang mga sumusunod lamang sa Kaniya.
PAGHAMON: Mayroon bang isang bagay sa iyong pamumuhay na kailangan ng
pagsunod sa inuutos ng Panginoong Hesus ?