MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S.
MAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN

TEKSTA:Mga Taga Roma 1:1-6, 1:16-18, I Tesalonica 15:1-7, Mga Taga Roma 10:18-13

BUOD NG KATOTOHANAN: Ang tumpak na pagka-unawa at pagbibigay-halaga ng ebanghelyo ay magbibigay rin ng tumpak na katugunan mula sa mga tao.

MGA BAGAY NA DAPAT TALAKAYIN:

  1. Maraming mga tao ang nakapakinig ng "ebanghelyo" o "magandang balita" ngunit hindi maipaliwanag ang bagay na ito.
  2. Dahil sa may pagkahiling sa relihiyon, ang ibang mga tao ay madaling maghusga ng katuruan ng mga naipanganak na muli. Kung mabigyan man ng pagkakataon na maibunyag ang ebanghelyo na muli, ang hadlang sa kaisipan ay maaaring maalis.

INTRODUKSIYON: Sa Mga Taga Roma 1:1, sinimulan ni Pablo ang kanyang kasulatan sa simpleng pagtitiwala, nagsasabing siya ay alipin ni Hesu Kristo, tinawag para maging apostol at inihiwalay para sa ebanghelyo. Sinasabi niya na ang layunin ng kanyang buhay ay para sa ebanghelyo. Ang talaan ng mga paglalakbay misyonero at pagiging sugo ni Pablo ay naghahayag ng kanyang dedikasyon at kalooban para sa ebanghelyo. Pero ano ba ang ebanghelyo? Anong mayroon ito at ang taong kagaya ni Pablo ay handang magbigay ng kanyang sarili para ito ay ipahayag?

I. ANG EBANGHELYO AY PARTE NG PLANO NG DIYOS SA KALIGTASAN, Roma 1:2-4

  1. Pangako ng Diyos sa pamamagitan ng mga propeta - Hindi ginusto ng Diyos na ilihim ang ebanghelyo. Ito ay kaniyang ipinagpahayag sa pamamagitan ng mga propeta. Basahin Isaias 53:2-12. Ipinangako ng Diyos na ang Mesihaya ay darating para magdulot ng pinakahuli at kumpletong sakripisyo para sa mga kasalanan ng mga tao.
  2. Ang ebanghelyo ay nakatuon lamang sa kaisa-isang Anak ng Diyos na si Hesu Kristo - ang Hesus na ipinapakilala ng ebanghelyo na tutuong tao at tutuong banal.
II. ANG IPINAGKAKALOOB NG EBANGHELYO, Roma 1:16-18
Si Pablo ay nagsasabing hindi niya ikinahihiya ang ebanghelyo dahil sa mga bagay na ipinagkakaloob nito:
  1. Ito ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan
  2. Ang pagkakaloob nito ay para sa lahat na mananalig: Hudyo man o Griego.
  3. Itinuturo nito ang daan para ating matakasan ang pagka-poot o paka-galit ng Diyos (v18) at bagkos ay ang katuwiran na nagmumula sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya.

III. ANG MENSAHE NG EBANGHELYO, I Mga Taga Corinto 15:1-8
Ang ibig sabihin ng salitang ebanghelyo ay 'magandang balita'. Ito ay naghahatid ng kagalakan upang ang isang bagay ay ating ipagsigawan sa ibang tao. Kung ating ipapahayag ang ebanghelyo sa ibang tao, ano ba ang mga bagay na dapat sabihin tungkol sa magandang balita?
Maliwanag na sinabi ni Pablo sa bersong ito na ang ebanghelyong kaniyang itinuturo ay tungkol kay Kristo. Kaniyang pinapahayag na ang buong kaligtasan ay nagmumula lamang sa Kaniya, ang walang hanggang Anak ng Diyos, na namatay sa ating mga kasalanan, inilibing ngunit nabuhay na magmuli mula sa kamatayan. Pagkatapos ay patuloy na tinaludtod ni Pablo ang mga sumunod na berso na nagbibigay ng kabuluhan ng pagkabuhay ni Kristo.

PAGHAMON:
KATUGUNAN SA EBANGHELYO: Basahin na muli ang Roma 1:16 at Roma 10:8-13 at patnubayan ang iyong mga pinakatutunguhan para sa pananampalataya sa Panginoong Hesu Kristo. (Ang mga kristiyano ay dapat na irepaso o bagkusin ang kanilang kaalaman sa mensahe ng ebanghelyo at ituwid ang mga bagay na hindi tama, at maghandang ipaliwanag ang ebanghelyo sa mga tao.)